PAGIBIG Chronicles ni Chameme

Uncategorized

Minsan sa buhay natin, may darating na hindi mo aakalain. Hindi mo hiningi. Hindi mo rin inantay. Chill ka lang sa kinalalagyan mong Space habang unti unting bumabangon mula sa iyong nakaraan. At nung dumating iyon, para siyang Switch na Nag papaTurn On sa lahat lahat ng pagkatao mo. Mga bagay na di mo sukat akalaing magagawa mo, napaka-Automatic nalang ngayon. Samut-Saring pag lalabag na sa iyong BRO-Code ang nagagawa mo mula nang dumating siya. Wala e, tinamaan ka. Ganon raw talaga iyon. Sa pagkakataong ito, lahat ng mga bagay na nagawa at hind nagawa sa dati, binubuhos dito. Andun ang takot masaktan at naroon rin ang handang magsugal. Pag success ehdi WOW, pag hindi… charge to experience nanaman.

Lahat naman nagumpisa sa Forever. Wala namang papasok sa relasyon at hahangarin agad ang katapusan nito. Ngunit, naroon ang reyalidad. Magpaparamdam at magpaparamdam talaga iyan. Hindi sapat ang Mahal Ko at Mahal Ako Concept. Kelangan gamitin ang utak. Kasabay nito ang isang matinding salitang Effort. Effort talaga ang magmahal. Hindi sapat na mahal lang, walang effort para patakbuhin ito. Ang Love hindi lang puro kilig.  Kung yun lang hanap mo ehdi sana, nagpa kuryente ka nalang o di kaya subukang pigilan ang ihi mo ng matagal at pag di na kaya tsaka mo ilabas. Yun’ ang KILIG talaga.

Effort. Effort. Madali lang raw iyan, Consistency daw ang mahirap. Oo, totoo yan.  Yun ang tunay na challenge sa salitang Effort. Hindi porket matagal na kayo o panatag na sa isa’t-isa eh, keme –keme nalang. Aba’y di pwede yan Chong’. Lagyan mo ng thrill, sweetness, bitterness, kung pwede pa nga. Anghang para walang sawaan.

Kasama rin dito ang hangaring mapabuti ang kapareha. Sa oras na pinasok mo ang yugtong ito, hindi na IKAW ang usapan. KAYO na.  Importanteng Ibuild up siya towards betterment. Ika nga, push him to be what he is capable of.  Kung kelangang gumising ng mas maaga para gisingin siya at nang hindi ma-Late. O kaya naman, Kurutin sa tenga para lang mag Church. Lahat ng ikabuButi para sa kanya- hangarin at gawin mo. Minsan, pwedeng hindi niya ito gugustuhin, pero kung iyon ay alam mong para sa kanyang ikabubuti. Why Not, Choc-Nut diba? Dapat malayo ang bato, dapat pang hinaharap na ang Focus sa mga bagay bagay, hindi sapat na isipin at magpakaEnjoy ka lang sa kung anu merun ngyon. Dapat mag-ala Madame Auring ka sa mga pangyayari. Isipin ang hinaharap. Always want the best for the other and for the both of you. Uulitin ko lang ang paborito kong line mula sa Terror ngunit genius kong Prof nung College na si Thor-Mentor “Malayo dapat ang Bato, guiizze. “

Hindi porket Buy1-take1 package na eh babaliwalain na ang kanya kanyang mundo. Kung ang Araw at Buwan ay nagpakasal at naging housewife nalang si Araw, papano na init sa Earth?? Ang punto ko, we all have our own worlds. We should still continue to strive to make OURSELVES better. Para rin naman ito sa iyong partner.  Hayaan siyang mag Basketball with the boys; GO. Manood ng PBA; GO. hilig niya yun eh, wag kang epal, malay mo naman, pwede siyang future MVP sa PBA, e balakid ka. Maging personal cheerleader ng isat-isa Minus the pompons and short kinky skirts haha.  Ituloy mong gawin ang dati mong ginagawa; pagsusulat, pagkanta, musika, lakwatsa pero with consent and approval na may 30 days Notice and Date-Leave Credits XD. Ang naiba lang naman eh. Nadagdagan ka lang ng isa pang papel sa buhay.  Pero ikaw parin yan, sa ganyan ka niya minahal eh kung magbago at mawala yan, Who You Na?!

 

Masarap daw ang pagibig. Totoo naman. Masarap ngumiti nang walang dahilan. Masarap ang feeling na may biglang hahalik sa noo mo. Ganon talaga eh, humahava ang hair. Pero wag masyadong padala. Gamiting ang utak. Maging mature sa mga bagay bagay. Magmahal na walag masyadong ineexpect, lagyan ng adventure ang buhay, ituloy mo lang ang takbo ng mundo mo habang sabay kayong umiikot sa bago ninyong Orbit at higit sa lahat pagyamanin ang buhay ng isat-isa.

 

Salamat sa pagbabasa. Ikaw, ano sa tingin mo?